Asawa ni Jose

Poetry by | September 28, 2008

Gabi’t ang kulisap lamang ang tanging
Umiikot sa lamparang nagngingingas sa tabi ng baul.
Hinipan ko ang alab nito’t
Napawi ang ilaw sa apat ng sulok nitong kwarto.
Tanging ang ilaw ng buwan ang sumisilip
Mula sa mga butas ng kawayang dingding.
Gabi’t ang at ingay ng hilik mo ang tanging
Pumupuno sa dampang tahanan ng ating pag-ibig.
Bumangon sa saglit at sinilip ang kuna ni Nena
Gutom pala kung kaya’t nag-iiyak.
Tahan anak, narito na ako.
Tahan anak, ‘di ka pababayaan ng nanay.
Nang mabusog na ang iyong bunso,
Inilapat muli sa kuna’t binihisan ang basang lampin.
Sinilip ko ang mga anghel nating nasa
Ilalim ng kulambong tadtad sa butas at sulsi.
Ang laki na pala ng mga anak mo
Balang araw, aalis rin sila dito’t magkakapamilya.
Gabi’t gutom ng bukas ang iniisip sa uli’t uli
Ang tangi ko lang hiling ay umangat.
Gabi’t madilim na nga ang atin, asawa ko
Gaano kaya ang sa mga supling natin?
Gabi’t walang katiyakan ang buhay sa bukirin
Makikita pa kaya nila ang liwanag ng umaga?

—-
Mark Darryl Caniban is a BS Psychology student of Ateneo de Davao University.

One thought on “Asawa ni Jose”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.