Moda

Nonfiction by | July 28, 2019

Ilang buwan ring busy-busyhan ang Fiona. Matapos kasi ang ilang linggong pagka-ospital ng nanay niya, inuwi nila ito sa bahay. Comatose pa rin. At ang Fiona ang nasa frontline ng pag-aalaga.

“Takot kasi sila magpakain,” sabi nya.

Sa ospital pa lang kasi, nasanay na si Fiona sa pag-aalaga sa kanyang ina.

“Kapag may parang kumukulo sa tiyan nya, ibig sabihin non nakarating ang food na dinaan sa tubo,” sabi nya.

Sya rin ang taga-linis ng lahat ng dumi, taga-tanggal ng laway, taga-punas, taga-bihis, taga-paypay.

At dahil di na nga kami gaanong nagkikita dahil minsan na lang itong umuwi ng bahay, hanggang text na lang kami.

“Kabado na ako, parang this is the moment na talaga,” text nya sa akin kagabi.

Di ko alam kung paano magreply.

“Pero ready na ako. Nakakaawa na talaga sya. Anlalaki na ng mga sugat sa likod. Kita na ang spine,” dagdag na text nya.

“Antay na lang tayo sa tamang oras,” tanging nasagot ko sa kanya.

Kaninang alas nueve ng umaga, nagtext ang Fiona ng: “Wala na si Moda.”

Continue reading Moda