Aquaflask

Poetry by | May 27, 2024

Kainit…..Kagin-ot…..Kauluhaw,
ang ginawaslik sang adlaw.
Sang ginlabay ko amon uma sa babaw.
Gataraktak ang balhas nga daw,
luha sang maya nagatuhaw.

Matuod nga ang alagyan kakahuyan,
mayad bitbit ang maramig nga tubigan.
Nalipay sa balos sang sinuptan,
handomanan kag akon mapuslan.
Ang aquaflask akon gina ginahalungan.

Ginpuno ko sing matig-a nga tubig,
para pagtungab ko palang sang iya bibig,
mabatyagan ko gid ang kalamig.
Sining init nga daw gapanglawig,
sa akon lawas nga nagakirig.

“Sang akon abrihan kag tungabon,
nga-a, wala nasulod ini kung imnon?!”
Giinom ni manghod wala naglisensya sa akon,
ang kainit kag kauhaw akon antuson,
kay marayo pa ang irimnan nga bubon.


Matt Ronnel R. Soterno is a college student from South Cotabato, Mindanao, Philippines.

Sagwan

Poetry by | May 20, 2024

Sagwan…sagwan…sagwan…saan ang daungan?
Tila, ayaw ng alon humupa, sa walang hanggan.
Sinasamo’ng gabing, may luhang umuulan.
Pagtangis, at pagmakaawa, sa sinag ng buwan.

Nag-iisa’t, sumasagwan sa agos ng madilim na karagatan.
Humihiling, sa sumasayaw na bituin, sa kalangitan.
Ang langis ng lamparang, unti-unting nawawalan.
Kumpas ng liwanag, ituro ang mahiwagang lagusan.

Himig ng pagsumamo’y, narinig ng kapalaran.
Sa wakas, natatanaw na ang paraisong, gintong kaharian.
Ngunit bakit maraming hukbong sundalong sugatan, at dugoan?
Sapagkat, may-iilang duwag na makipagdigmaan.

Takot dumaong sa misteryong natagpuang dalampasigan.
Hanggang kailan, magiging malaya sa bangkang sinasakyan?
Hanggang saan, sasagwan, ang mga palad na nahihirapan?
At hanggang kailan, maliligaw sa sariling kanlungan?

Naghihintay ang halimuyak ng tagumpay sa dulo ng daungan.
Saan man makakarating ang bangkang sinasagwan.
Hindi kasalanan ang gumanti ng tiyaga, at panindigan.
Kung naging sakim ang pagkakataon, sa mandirigmang lumalaban.


Matt Ronnel R. Soterno is a college student from South Cotabato.