Talong Policy

Fiction by | June 8, 2020

“Ayoooo.”

“Mayong aga gali Tiyay, ano imo?” magiliw na pagbati ni Owa, tindero ng isang tindahan ng gulay at prutas sa tabi ng daan papasok sa sentro ng bayan ng Alabel. Maraming talong ang kanyang paninda ngayong araw. May iilang saging na tordan, lakatan at sabá. Mayroon ring nakaboteng suka at mga kalabasa.

“Ilonggo diay ka? Kasabot rako ana niya wala tawon naanad akong dila. Akong bana ray kahibaw.” Sambit ng matandang babaeng kustomer habang tinitignan ang mga panindang talong ni Owa. “Pila say kilo ani, To?” sabay turo sa maliliit na talong.

“Ako man kaintindi lang ka Binisaya indi kamaan magistorya. Baynte-singko lang sa imo ah, bag-o ko lang na ginkwa sa basakan.” Nakangiting sagot ni Owa sa mamimili.

“Sa Palengke dadto sa Alabel kay dise-otso ra tawon ang kilo. Niya dinhi na inyuhang tanom mahal lage kaayo. Dise-otso na lang ni uy. Daghan bitaw akong paliton, To.” pakiki-usap ng matandang babae habang hinihila ang mga talong na siyang inilalagay niya sa kilohan.

“Lugi takon sina Tiyay. Baynte-tres na lang ah. Anhon mo ya talong haw?” inihanda na ni Owa ang supot na siyang paglalagyan ng bibilhin ng matandang mamimili.

“Aduna man gud koy Pastilan sa siyudad. No pastil, no talong amoang balaod. Kusog kaayo among baligyaay didto, To.” habang patuloy niyang pinapatong sa kilohan ang mga sariwang talong.

“Ay gali? Nami kay duro dya gabakal sa inyo. Dako ya ginansya.” Pagpupuri nito. Abala pa rin sa pagpili ng mga talong ang mamimili. Halos maubos na niya ang mga ito. Inihihiwalay niya ang may butas na may uuod sa loob. Maging ang may balikong hugis ay isinasantabi niya. Hindi gumagamit ng nakalalasong kemikal sa kanyang sakahan si Owa. Organic fertilizer ang ginagamit niya rito, mahaba ang proseso sa fertilizer. Binababad ng ilang buwan at minsan ay umaabot ng taon para magamit sa mga pananim.

“Kana, To. Pila man?” masungit na tanong ng matandang babae matapos piliin ang lahat ng talong na bibilhin niya, na siya rin namang pagpunas ng alkohol sa kanyang mga kamay.

“Lima ka kilo Tiyay, te bali lima ka kilo multiply sa baynte-tres taga-kilo kay isagatos kag kinse pisos ah.” kalkulasyon ni Owa na siya namang sinundan ng hirit ng matandang mamimili, “Isagatos na lang na uy. Lima ka kilo bitaw akong gipalit. Negosyante sa negosyante ra gud.” Sabay abot nito ng isang daan kay Owa na pangiti-ngiti pa.

“Tiyay, ginarespeto ko negosyo mo. Tani ya akon man. Baynte-singko gid bala kadakilo ti gin baynte-tres ko, dayon subong hayo ka duman?” naiinis na sabi Owa sa bumibili.

“Hangula nimo uy. Maligsan unta ka inig tabok nimo sa dalan. Sa palengke na lang ko mupalit. Uluron maning talong ninyo.” pagsusungit nito sabay tapon sa mga talong palabas sa tindahan ni Owa at nagmamadaling umalis patungo sa kabilang bahagi ng kalsada.

“No Talong kon puro ka hangyo.” ang tanging naisagot ni Owa sa matanda. Paunti-unti niyang pinulot at ibinalik sa tamang pagkakaayos ang kanyang mga paninda. Ikinalma ang sarili sa naudlot na bwena-mano sana niya ngayong umaga.

Nang walang anu-ano’y may humaharurot na pampasaherong puting van. Parang hari ng kalsadang hindi pinapansin maging ang tumatawid na matandang babae. Biglang may malakas na tunog na masakit sa tenga ang kumuha sa atensyon ng mga napaparaan, ng ibang nagtitinda sa gilid ng kalsada at maging si Owa ay nagulat sa narinig. Nagkagulo ang mga tao, sumisigaw ng tulong. May tumawag ng pulis at kumukuha ng larawan sa nangyayari.

“Ti kwa mo parte mo. Talong pa. Pastilan!” patuloy pa rin sa pag-aayos ang magsasakang tindero sa kanyang mga paninda.


Mary Divine C. Escleto is from Alabel, Sarangani Province. Fellow in 1st Sox Summer Writing Camp 2019 and Davao Writers Workshop 2019. She’s the interim Chairperson of Sarangani Writers League.