Liwanag

Poetry by | August 17, 2014

I.
Tiwala lamang ang kailangan mo
Upang Pagasa ay matamo
Bakit kaguluhan na lamang
Sinapit ng walang kasalanang bayan ko

II.
Maraming buhay ay nalagas na
Resulta: Kadilima’y nadadala
Ngunit liwanag ay sumisilip nang muli
Pagasa’t kabutihan ay laging
magwawagi

Koro
May ilaw pa
May darating na liwanag
May pagasa
Mawawala ang dilim
Huwag tayong bibitiw
Tayo ang pagasa
Napakalinaw
Huwag nating hayaan ang
Inang Bayan nating ito

III.
Pangarap, pagasa at pagmamahal
Ang laging inaalay ng Maykapal
Isipin natin na laging nariyan Siya
Nakatingin, nakatanaw sa kanyang mga
likha

IV.
Dalangin lamang ng bayan ko
Na ang puso ng lahat ay magkatagpo
Kapayapaan sana’y makamit
Kinabukasan ng baya’y sa’tin nga naka
kabit

Koro
May ilaw pa
May darating na liwanag
May pagasa
Mawawala ang dilim
Huwag tayong bibitiw
Tayo ang pagasa
Napakalinaw
Huwag nating hayaan ang
Inang Bayan nating ito


Mr. Gomez works at the Campus Ministry and Service Office at Xavier School in San Juan, Metro Manila.

Kunin Mo Na

Poetry by | August 3, 2014

I
Ano pa ba ang saysay ng
buhay ko
Kung di ko marinig, iyong
munting tinig
Paano pa ba ako muling
babangon sa mundo
Lulubog sa lupa ang lahat

Ref
Di magagawang ika’y hilain
pababa
Di magagawang kaladkarin ka
rin
Di ko aakuin ang sa’yo
Basta’t iyong iyo na ang sa akin

Koro
Kunin mo na
At ito’y ibulsa
Lahat ay inaalay ko sa’yo
Puso’t isipan
Lahat ng kailangan
Pangarap at musika

II
Paano ko ba sasabihin sa iyo
Ang araw at gabi ay kukulangin
Di sapat ang ‘sang
tanangbuhay
Para ‘yong mawari na
minamahal kita

Ref2
Sisikapin kong mapadama
sa’yo
Pagibig na wagas at di
magbabago
Papaligayahin lang kita
hanggat humihinga ako
Ang buhay ko ay sa iyo

Koro
Kunin mo na
At ito’y ibulsa
Lahat ay inaalay ko sa’yo
Puso’t isipan
Lahat ng kailangan
Pangarap at musika


Mr. Gomez works at the Campus Ministry and Service Office at Xavier School in San Juan, Metro Manila. He’s also a self-taught choral conductor on the side.