Ok lang yan
Jose Mari Chan
Kahit ginapagtawanan ka nila
Hindi mo kontrol ang gina isip nila
Iba na ang panahon ngayon
Makapal na ang mga kubal
Maalala ko noon mas malaki pa ang Krismas tree sa akin,
bakal na gi twist na rebar at gipinturahan ng puti
gipalibutan ng silver na plastic na palamuti,
habang ginalagyan niya ng krismas lights ang San Francisco
ginapatugtug ka ni mama sa Karaoke
habang gina ayos niya ang bahay
Sing a song and light up the lights
We need to make this Christmas bright
Hang your favorite dream on a star
Wish upon it Christmas night
Habang ginapag away ko si RoboCop at Elisa Masa action figures sa kwarto
Maamoy ko ang bagong floorwax na sahig
Gina imagine ko ito ang amoy ng snow
Alam ko na krismas na
Magsabit na kami ni ading ng medyas sa bintana
Magdating si Mommy Tess galing maynila
On a beautiful day that I dream about
In a world I would love to see
Is a beautiful place where the sun comes out
And it shines in the sky for me
Kabait ng mga tao sa isat-isa
Hindi na ginakuha ni papang ang kambyo niya sa nagatinda
kahit kami ni ading hindi naga away
ati-ati lang kami sa lahat ng bagay
Sing a song of gladness and cheer (gladness and cheer)
for the time of Christmas is here (is here)
Look around about you and see (look around about you and see)
what a world of wonder this world can be
Perstaym ko nagpa Gensan
Nag grocery si mamang sa Gaisano
Parang ilog ang daloy ng mga tao
Hanggang doon marinig kita
Jose Mari Chan
Habang nagapila sa cashier si mamang
Can you hear the sound of life
Heard in the laughter of children at play
Can you hear the sound of voices sing
Feel the magic and joy they bring
Pag may naga caroling baya kay
Depende sa pagkanta ang ginabigay
Magalit si papang pag hindi ginatarong
Kapag gina yaga yaga ang pag kanta
Christmas children peep into Christmas windows
See a world as pretty as a dream
Christmas trees and toys, Christmas hopes and joys
Christmas puddings rich with Christmas cream
Ang palabas sa Starmovies kay home alone 1-2-3
O Batman returns – forever – robin
Ayaw ni mamang sa patutin kaya manokin
ang noche Buena namin
iba talaga ang lasa ng pagkain
pag ikaw ang ginapatugtug
Jose Mari Chan
Pero
Ngayon
na alam ko na kung sino ang tunay na santa klaws
At matanda na si Macaulay Culkin
At si Ben Affleck na ang Batman
ginahanap kita
pati ang Karaoke
pati ang krismas tree
ginahanap ko sila Robocop at Elisa Masa action figures
ang tunay na lasa ng manokin
ang mga naga caroling
wala naman sila
nawala ka na rin
gihalungkat ko na ang bahay ngayon
nawala ka na man
ginahanap kita
ginahanap ka ni mamang
hindi nya na daw maramdaman ang krismas
simula noong nawala ka
wala nang december sa kalendaryo namin
pati ang Karaoke
gibenta na sa bote bakal
ang krismas tree gikain na ng kalawang
wala na
wala na
wala na
o baka
mali ako ng gihanapan
baka nandito ka lang
sa puso ko
Gerald is a Teacher/Poet of Tacurong City, Sultan Kudarat, South-Central Mindanao. He writes in a Hybrid form of Tagalog mixing Binisaya, Iluko, and Hiligaynon which is a common unifying language among the diverse cultures of South Central Mindanao. His works have been published by Anthologies, E-Journals, and Journals all throughout the Philippines. He advocates the use of SOX Tagalog in the literary community. He lives with his wife and eight fur babies. He hates needles.