Alaala ng Kahapon

Poetry by | December 11, 2011

Tanaw na tanaw ko pa
       ang dating punong mangga
na tagpuan namin
       noong kami’y musmos pa.

Habulan dito, habulan doon,
       walang kapaguran kami noon.
Bata pa nga at walang alam
       sa mundo na aming ginagalawan.

Ngunit tila biglang naglaho ang lahat,
       pagmamahal pala’y di sapat.
Kanyang hinanap, kinabukasan sa Maynila,
       at ako’y naiwan na walang nagawa.

Ako’y naiwang luhaan,
       sa punong saksi sa batang pagmamahalan.
Ikaw pa ba’y magbabalik—
       yakap mo’t halik ako’y nasasabik.

Mararamdaman ba kaya ulit,
       And pagmamahal mo noon,
O panghahawakan na lang
       alaala ng ating kahapon?

—-
Galil Joey P. Morados is an AB Massscom sophomore at the University of Mindanao who has been writing since she was thirteen years old.