Katulad ng Ulan ang Aking Pag-Ibig

Poetry by | October 14, 2012

Katulad ng ulan ang aking pag-ibig
na may diwang nais ipahiwatig,
Kahit dala nito ay lamig,
Maipadama lamang ang kanyang ibig.
Huwag magtaka’t maligalig
Pag pumapatak ‘to sa iyong daigdig
Pagkat ito’y dalisay na tubig:
Sa tigang mong lupain, didilig.
Talagang kakaiba at walang kahawig,
Pag-ibig ko’y kristal na pumipintig;
Sa makulimlim na kalangitan, naglalawig,
Patungo sa iyo na aking iniibig.
Halika na’t maligo sa ulan –
Sa ulan ng pag-ibig ko:
Ulan ng tunay na damdamin,
Ulan ng tunay na pagmamahal;
Mula sa kanlungan ng langit
Hanggang sa pusod ng dagat
Pag-ibig ko’y bumubuhos ng awit.


Dick B. Navaja is currently taking up his doctorate in Philosophy at the University of the Immaculate Conception.