kahit nagasipsip na ng dugo ang semento
kasi gihampak ng ex ko ng payatot na dos por dos
ang tangkugo ng bago kong nobyo
na nagaupo at nagalaro lang ng ml habang nagasipsip
ng mango shake dito sa night market
ng bulad festival ng calumpang na nagakulintas
sa liog ng barangay hall at gym,
tawa lang kayo nang tawa
kay nalaman niyo man
na isang bayot
ang ginailogan nila.
gahagikhik, ga-smile-smile,
may natuk-an pa gani bigla.
nagahina na ang mga batiis at tuhod
ng bago kong nobyo,
galakas na ang nagaawas na dugo sa kanyang tangkugo.
pero kahit ganun, gatawa pa rin kayo, ga-smile-smile
tapos gina–kalamansi relay
sa mga bago lang na dating
ang kataw-anan na kabayotan,
ang kataw-anan na gadugo-dugo
na pagmamahal ng bayot,
na parang joke pa rin kung ako yung gihampak
ng ex ko sa tangkugo at magpula na sa aking dugo
ang lahat ng semento
at sipsipin na rin ako nito,
na parang joke pa rin kahit ako
na ang gisubak sa mango shake na inyong ginasipsip
at matuk-an sa hagikhik at smile-smile kung
malaman na ako ang gisubak habang galaag kayo sa
night market dito sa calumpang at magkulintas ulit
sa liog ng barangay hall at gym
pero ako na ang ginapyestahan,
na parang joke pa rin kapag ginailog mula sa akin
ang katungod kong mabuhay at magmahal
kapag gawin niyong kinilaw at mani at super crunch
na pulutan at basagan ng tanduay lapad at red horse at sioktong
at suyupan ng gudang baru at berlin at malboro at mighty
na natapon, nakayaka at naka–hands forward na sa dami,
na parang joke pa rin kahit ginapunit
na ng aking mga singgit ang langit
kapag pusilin ni papa, gisiin ni tito, sagpain ni lolo at libakin ni angkol
ang katawan at bukton at legs at nawong ko kay lousy.
pero ganiyan man talaga kayo palagi,
kahit saan, kahit kailan,
ginatawanan niyo pa rin kaming mga bayot na
parang isa lang joke.
Francis Kyle Madas is a BA in Literary and Cultural Studies student at Mindanao State University–General Santos. In this universe, Francis is constellated with literature as their cosmic purpose.