Tsokolate Ka

Poetry by | January 12, 2026

Tsokolate ka. Pero ang bigat mo, talaga.
Sa una, tamis lang ang ginakita ko—
init ng hapon na hindi nanunugod,
ngiti na sige’ng maghintay.

Tsokolate ka. Pero habang nagatagal,
may pait din pala sa ilalim.
Hindi para manakit,
kundi paalala lang na ang init ay marunong ding magtiis.

Tsokolate ka. Pero hindi ka madali intindihin.
May mga adlaw na parang puro saya—
tawanan sa bukás na bilog ng daan—
pero sa pagitan, may katahimikang mabigat,
Daw lupa na sanay sa biglaang ulan at may pasensya.

Tsokolate ka. Kapag ginarinig ko ang pangalan mo,
nagabagal ang oras.
Ang bawat salita,
parang tsokolateng nagatunaw
sa gitna ng pagod ng biyahe.

Tsokolate ka. Pero ang init mo, iba.
At sa tuwing nagatingin ako,
parang naga-higop ng tsokolate sa gilid ng dalan—
may kilig na hindi ipinagsisigawan
at init na hindi kailangan ipaliwanag.
Sa hangin, may halong amoy ng kape at alikabok,
paalala na may pahinga sa gitna ng araw.

Tsokolate ka. Pero sapat ka, talaga.
Baka kaya ko gusto ang tamis, kasi paalala ka.
Hindi masyadong matapang, hindi rin mapait—
tama-tama lang ang timpla para sa mga adlaw
na pagod’t saya

Tsokolate ka. Pero may salakot ka.
Kaya kung sakali, ’wag mo isipin na ikaw ’to.
Isipin mo na lang
na may isang lugar
na marunong maglatag ng salakot sa ulo ng pagod,
at mag-alok ng init
na hindi nagakwenta,
hindi nagasingil

Dumaan ka minsan—
parang tsokolate sa ilalim ng salakot—
simple, tahimik,
at sapat na para manatili.

Paborito ko ang tsokolate.
Tacurong, tsokolate ka.


Bryan Emmanuel G. Bugas is a first-year college student at the University of the Philippines – Mindanao, pursuing a BA in English, majoring in Creative Writing. He writes because he sees words not just as letters on a page, but as seeds of thought that can grow into ideas, stir emotions, and leave traces in the minds and hearts of others. For him, writing is both a craft and a quiet rebellion—a way to make the world pause, reflect, and feel.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.