Ang distansya sa pagitan ng babae at baril
ay pinananatili ang diwa at igting
ng himagsikan at labada.
Siya ang rebolusyon ng pag-aalimpuyo ng mga kalan;
ang sigaw ng katipunan.
Ang pagitan ng babae at bibig ng makata
ay laway at tinta—
minsan, bala ng colt at asin.
Ang pagitan ng pag-ibig at babae
ay hindi bugbog at pasa,
hindi birhen at imahen
kundi ang baybay at himig ng apoy
at hindi ang bigat ng taludtod
na nakakahon sa dibdib
ng bayang paulit-ulit na sinusunog
ngunit ayaw maging abo.
Bago ang huling bigwas
ng buwayang nakakulong sa kusina.
Ang kanyang katawan ay kanya.
Sa sigalot ng karit at bigkis ng ani.
Aleah Sulaiman Bantas is a queer Maguindanaon writer who hails from the floodplains of Datu Paglas, Maguindanao del Sur. A fellow of the SOX Writers Workshop (2025), her works have appeared in the Bangsamoro Literary Review, Dagmay, and SunStar Davao. Her zines and poetry anthologies have been published under Tridax Zine, Cotabato Literary Circle, and the Socsksargen Writers Collective. She is currently studying at the University of Southern Mindanao.
ang galing, achi, sobra! nakakaproud ka talaga 🙂