Sagwan

Poetry by | May 20, 2024

Sagwan…sagwan…sagwan…saan ang daungan?
Tila, ayaw ng alon humupa, sa walang hanggan.
Sinasamo’ng gabing, may luhang umuulan.
Pagtangis, at pagmakaawa, sa sinag ng buwan.

Nag-iisa’t, sumasagwan sa agos ng madilim na karagatan.
Humihiling, sa sumasayaw na bituin, sa kalangitan.
Ang langis ng lamparang, unti-unting nawawalan.
Kumpas ng liwanag, ituro ang mahiwagang lagusan.

Himig ng pagsumamo’y, narinig ng kapalaran.
Sa wakas, natatanaw na ang paraisong, gintong kaharian.
Ngunit bakit maraming hukbong sundalong sugatan, at dugoan?
Sapagkat, may-iilang duwag na makipagdigmaan.

Takot dumaong sa misteryong natagpuang dalampasigan.
Hanggang kailan, magiging malaya sa bangkang sinasakyan?
Hanggang saan, sasagwan, ang mga palad na nahihirapan?
At hanggang kailan, maliligaw sa sariling kanlungan?

Naghihintay ang halimuyak ng tagumpay sa dulo ng daungan.
Saan man makakarating ang bangkang sinasagwan.
Hindi kasalanan ang gumanti ng tiyaga, at panindigan.
Kung naging sakim ang pagkakataon, sa mandirigmang lumalaban.


Matt Ronnel R. Soterno is a college student from South Cotabato.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.