Anak? Ako magkaka-anak?
Hindi, hindi!
Isang malaking kasalanan, isang malaking kamalian.
Kailan? Kailan ba nagsimula?
Ah, oo nga pala!
Isang gabi, puno ng kalungkutan ngunit dala niya’y kasiyahan.
Sino? Sinong ama?
Siya, siya ang ama!
Isang duwag na nang-iwan sa gitna ng gulong kinahantungan.
Sino? Sinong tatanggap?
Sa iyo, sa ating dalawa!
Isang malaking unos tingin ko’y di kayang lampasan.
Kasalanan, ikaw nga ba?
Ah, tayong dalawa!
Isang kahihiyan sa pamilyang matagal nang hindi natin nararamdaman.
Iyak, bakit ka umiiyak?
Malupit, oo malupit!
Isang mundong handa kang husgahan ngunit mailap kung magmahal.
Anak, kasalanan ka man sa mata ng iba,
Sa akin isa kang biyaya.
Wala mang sagot sa mga tanong di na bale basta nandyan ka.
Kasalanan ka man sa mata ng iba,
Anak sana ay magmahal ka.
Maging matapang ka, maging busilak ang kalooban.
Anak? Ako magkaka-anak?
Oo, oo!
Isang malaking biyaya, isang malaking kasiyahan.
Princess Nel-Ann Olo is a language graduate passionate about studying language, reading, and writing. She is from North Cotabato but is now living in Davao City and works as an educator.