Hinanap Kita

Poetry by | February 15, 2015

Kinapa ko ikaw sa dilim
Sinalat ang bawat korte
ang bawat linya ng iyong
katawan
Hinanap ko ikaw mula ibaba
paitaas, hanggang mangalay na ang
mga braso’t kamay sa kakakapa
at mapaluha na lamang sa sakit
pinili pa rin ang kapa-in
at hanapin ka
kahit di sigurado kung na andiyan
pa
ngunit
kahit na anong pagsalat
at paghanap
sa korte ng iyong mukha
tangos ng iyong ilong
lambot ng iyong mga labi
at tikas ng iyong katawan
hindi pa rin kita mahanap
Nararamdaman mo ba ako?
Hinahanap mo rin ba ako sa dilim
gaya ng paghanap at pagkapa
ko sa’yo?
O di kaya’y umiiwas ka lang?
na sa tuwing mararamdaman mong
maabot ko na, mahahawakan ko na
ikaw
ay agad-agad kang iiwas
at lalayo ulit?
magtatago?
at mawawala?


Sums is an English major at Xavier University – Ateneo de Cagayan. She writes every time Life slaps her in the face. A normal student by day, and a majestic unicorn by night.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.