Sa pagtingin ko
sa bawat sulok ng silid na ito
may pinapalabas na maiikling sine
sa utak ko.
Sa sahig,
kung saan ka umupo
habang umiiyak
at pilit na inayos
ang ating relasyon.
Sa katre,
sa mga umaga at gabing magkasama tayong lumangoy
sa kumot at unan
at narinig ang tunog ng kahoy
na tila mga dagang nagsasalita.
Sa sahig,
kung saan ka umupo
habang umiiyak
at pilit na inayos
ang ating relasyon.
Sa pintuan,
kung saan dumaan ka palabas sa aking buhay
at iniwan ang amoy mong dumikit sa mga dingding,
sa katre, sa banyo, sa sahig, sa unan, sa kumot,
sa buong kwarto.
Kahit ilang beses linisin,
kahit ilang beses palitan ang mga gamit,
kahit ilang beses manigarilyo at punuin ng usok ang silid
‘di mawala-wala ang amoy
na nakasanayan na.
Kulang na lang ay sunugin ang kwarto
o ‘di kaya humanap ng ibang amoy ng tao
na pwedeng pumalit
at matulungan akong
alisin ka.
—
Ella Jade Isamel is a BA English major in Creative Writing student in UP Mindanao.