Para Kay Ma'am

Play by | February 26, 2012

Tauhan:

Ma’am Jen – Ang guro na hinahangaan ng mga nasa Kolehiyo de San Ignacio. Di lamang maganda kundi matalino, magaling magturo, at maaruga sa mga tao.

Art – Isang 3rd year student ng Kolehiyo de San Ignacio.

Kaklase 1 – isang kaklase ni Art. Isang lalake.

Kakase 2 – isang kaklase ni Art. Isang babae.

Dr. Xion – Ang chemistry teacher ng mga 3rd year students sa Kolehiyo de San Ignacio.

Pagsasadula:

      (Closed Curtains)

Narrator: Ang pag-ibig ay walang pinipiling lugar, oras, panahon, kasarian, edad, etsetera, etsetera. Wala!

Narrator: Ehem…

Narrator: Ngunit, wala rin itong pinapaboran. At kung minsan pa’y nakikipaglaro sa tadhana ng tao.

      (Open curtains)
      (Frozen classroom setup)

Narrator: Sa Kolehiyo de San Ignacio, mayroong isang guro na hinahangaan ng mga estudyante’t kapwa guro dahil sa mala-aphrodite niyang kagandahan at mala-santong asal. Siya si Ms. Jen Ching, o mas kilala bilang si Ma’am Jen.

      (Papasok si Ma’am Jen sa silid-aralan)

Ma’am Jen: Hi Class! Good afternoon.

Klase: Good afternoon Ma’am (hindi sabay sabay na pagkasabi)

Ma’am Jen: Ok. Before we begin, can someone give a quick recap of what we have discussed?

Klase: Ma’am, Ma’am, Ma’am! Si Art! Si Art! (pangungutyang tono)

      (Si Art ay magmumukhang tumatanggi)

Ma’am Jen: Class…quiet please. (smile)

Klase: Yes Ma’am.

Ma’am Jen: Art? Kindly give the recap.

      (dahan-dahang tatayo si Art)

Klase: Eeee! (pangungutyang tono) Uy!

      (Si Ma’am Jen ay ngingiti)

Ma’am Jen: Shhh, class.

      (Silence)

Ma’am Jen: Ok Art, the floor is yours.

Art: Well, Ma’am, (nahihiyang tono)

      (Freeze)

Narrator: Yan si Art. Siya ang PINAKA mahiyaing estudyante ni Ma’am Jen. Nahihiya siya sapagkat…

      (Unfreeze)

Art: Wi had a licture on

      (Freeze)

Narrator: Yup… Nahihiya siya sapagkat matigas ang dila niya kapag nagsasalita gamit ang wikag ingles.

      (Unfreeze)

Art: The practical usis op the inglish languige.

      (tatawa ang buong klase maliban kay Art)

Ma’am Jen: Class! (galit na tono) You’re 3rd year COLLEGE students. Yet, most of you act like 5 year olds. It is true that Art here has a hard time speaking English. But it does not mean that he’s not trying.

      (Magbublush si Art)

Ma’am Jen: Thank you Art. Keep on practicing. You can do it. (ngiti)

Klase: Art… (Pangungutya)

      (uupo si Art habang nakangiti’t nakablush)

Kaklase 1: Ma’am, Ma’am! Hindi ba’t birthday mo next week?

      (Maghihiyawan ang klase)

Ma’am Jen: (smile) Kindly speak in English.

Kaklase 1: Oh, I’m terribly sorry Ma’am. Let me ask again. Ma’am, is it not that the day of your birth will come again by next week?

Ma’am Jen: Yes. Next Monday will be my birthday.

Kaklase 2: Ma’am, may I ask? What will be your age when next Monday strikes?

Ma’am Jen: I’ll tell the class only if all of you promise not to laugh. Deal?

Klase: Yes Ma’am! We promise.

Ma’am Jen: (timid smile) I’ll be 28.

      (Maghihiyawan ang klase)

Kaklase 1: Weh!! Este… Really, Ma’am?!

Ma’am Jen: Really. It’s true. I’m old. See?

Kaklase 2: Di nga halata Ma’am eh. Mukha ka’ng 23 years old.

Ma’am Jen: Can anyone translate what she said? (pabirong tono)

Kaklase 2: Ma’am naman! (nakikisakay sa biro) English addict.

Ma’am Jen: Well, (smile) I can’t do anything about it. We’re having our English class.

      (tatawa ang klase)

Ma’am Jen: Ok, ok. Settle down class, settle down.

      (tatahimik ang klase)

Ma’am Jen: Now that we’re ready, let’s begin with our lesson proper.

Narrator: At sila’y nagsimula sa kanilang sesyon. Lahat ay nakikinig ng maigi, ngunit si Art…

      (Freeze ang klase)
      (Spotlight kay Art)
      (tatayo si Art)

Art: Ma’am Jen… Matalino, maganda, maaruga. Ma…ma…maka in-lab!

Art: Hm…next Monday na ang kaarawan niya. Paano ko kaya sasabihin na mahal ko siya?

Narrator: Art… (isang malalim na tono)

Art: Diyos?

Narrator: Hindi, Art. Ako ang narrator.

Art: Uh…narrator? Paano ka nasali rito?

Art: Teka…sino ka ba para diktahan ako?

Art: Tatay ba kita? Inay? Ate? Kuya? Lolo?

Narrator: Wag ka na ngang tanong nang tanong. Malapit nang matapos ang klase mo o. Bumalik ka na dun!

Art: Ay…Hehe…sorry…

      (Babalik si Art sa upuan)

      (Close curtains)

Narrator: At nung gabing iyon sa kanyang kwarto, nagmunimuni si Art.

      (Open curtains)

      (Si Art ay nakatulala sa mga tala)

Art: Hay…. Napakabuting tao naman ni Ma’am. Pinagtatanggol niya ako; naniniwala siya sa kakayahan ko; at higit sa lahat, tanggap niya kung sino ako.

      (makikita ni Art ang bolpen at papel sa mesa)

Art: Aha! Alam ko na!

      (Kukunin ni Art ang bolpen)
      (Magsusulat si Art)

Narrator: Si Art, ang maituturing pinakamamahal ng guro ay nagsimulang magsulat. Pero kung ano ang laman, siya lang ang nakakaalam.

      (Close curtains)

Narrator: Lumipas ang mga araw at gabi. Sa wakas ay dumating din ang kaarawan ni Ma’am Jen.

      (Open curtains)

Narrator: Ala una ng hapon, unang klase ni Ma’am. Si Art ay naghihintay sa loob ng silid-aralan. Hawak-hawak niya ang liham na may tatak “To: Ma’am J”. (Isa isang magsialisan ang mga kaklase ni Art)

Narrator: Dumaan ang 1:15, 1:30, 1:45, hanggang sumapit ang 2:00pm. Ni anino ng taong hinihintay ni Art ay di nagpakita.

      (Close curtains)
      (Open curtains)
      (May nakatambay na mga estudyante, isang dyanitor, at isang security guard)
      (Lalapitan ni Art ang bawat isa; nagtatanong)

Narrator: Dali-daliang hinanap ni Art si Ma’am Jen. Nagtanong siya sa mga estudyante; sa mga mamang janitor; at pati sa security guard. Pero, ni isa sa kanila ay walang alam kung nasaan si Ma’am Jen.

Narrator: Kaya pumunta si Art sa Faculty Room.

(Exit stage Art)
(Close curtains)

Narrator: Hindi na nakapagpigil si Art. Sa pagdating niya sa faculty room, hinanap niya ang opisina ni Ma’am. Sa isang malakas na hampas sa pintuang hindi masyadong nakasirado…

      (Door slam sound effect)
      (open curtains; hinihingal si Art)

Narrator: Nadatnan ni Art ang loob ng opisina ni Ma’am. Ngunit, hindi babaeng guro ang sumalubong sa kanya kung hindi isang matandang lalakeng nakasuot ng business attire, labcoat, at salamin sa mata na kasing-kapal ng dalawang pinagpatong na piso. Ang taong iyon ay ang chemistry teacher na si Dr. Konku Xion.

Dr. Xion: O, pwede ba kitang tulungan iho? Parang unstable ka ‘ata.

Art: Sir, nakita niyo po ba si Ma’am Jen? (hinihingal)

Dr. Xion: Ah… Si Jen ba? Balita ko’y on leave yun. Bago lang kasi siya kinasal. Noong Sabado lang.

      (Dismayado si Art)
      (Freeze Dr. Xion)
      (Spotlight kay Art)

Art: Kinasal…na…siya…? Hi-hindi siguro… Oo tama… Nagbakasyon lang si Ma’am.

      (ngingiti si Art na parang may topak sa ulo)
      (Back to reality)

Art: Ah… sige po sir. Ilalagay ko nalang po ‘to rito.
      
      (Ilalagay ni Art ang liham sa mesa)

Dr. Xion: Sige iho. Mag-ingat ka.

      (Close curtains)

Narrator: Makalipas ang isang linggo, matapos iyong naging kapalaran ni Art, bumalik si Ma’am Jen. Nabalitaan niya sa mga guro na mayroong isang estudyanteng nag ngangalang Art ay din a sumisipot sa mga klase. Sa pagpasok niya sa kanyang opisina, napansin ng kanyang mga mata ang isang diyaryong nakapatong sa mesa ni Dr. Xion. Nilapitan niya ang mesa ni Dr. Xion. “Teenage suicide” ang headline ng dyaryo. Nabagabag ang kalooban ni Ma’am Jen. At nang bumalik siya sa mesa niya…

Ma’am Jen: Aba, may liham ako.

      (Freeze)

      (Fade to black)


Alfredo Carlos P. Montecillo is a 3rd Year BSC-MA student of Ateneo de Davao University.

5 thoughts on “Para Kay Ma'am”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.