Lagalag

Poetry by | December 19, 2010

Hampas ng hangin ay lubhang malakas
Buhos ng ulan ay sobrang bigat
Subalit walang madamang lamig
Walang patak na bumabagsak.

Dahon ng anahaw ay humahampas
Katawan ng kawaya’y pilit umiiwas
Ngunit walang marinig na lagaslas
Kawayang payat langitngit ay ingat na ingat.

Ganyan ka sa iyong pag-iisa
Manhid at walang madama
Pinagmulan ay pilit mong kinalimutan
Kinabukasan ay pilit mong tinatakasan.

Namnamin mo sakit ng iyong kamanhiran
Tiisin mo sugat ng iyong nakaraan
At sa sulok ng iyong kaibuturan
Matutuklasan mayroon kang masasandigan.

Hindi ka nag-iisa kaibigan
Sa kamay Niya’y ‘di ka pababayaan
Minsan pa’t muli mong balikan
Buhay mong sa Kanya dapat laan.

—-
Si Ruel Soriano ay nagtuturo sa Ateneo de Davao University.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.