Sa Bula ng Beer

Poetry by | October 31, 2010


Sa bula ng beer
May nakakubling tamis
Sa bula ng beer
Ngiti ay pagtangis
Sa bula ng beer
Mundo’y higit na maganda
Sa bula ng beer
Napuno ng akala

Sa bula ng beer ibinurda
Mga yapos at pagsinta
Sa bula ng beer naniwala
Sa walang katuparang sumpa
Sa bula ng beer nakatala
Mga wikang agad nabubura
Ang bula ng beer at aking mga luha
Sa pait hindi nagkaiba

—-
Jobelle Obguia graduated with a degree in Business Management from Ateneo de Davao University.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.