Miss Ganda

Play by | January 10, 2010

MGA TAUHAN:

Maggie Dela Victoria: Labing-siyam na taong gulang na student Nurse. Maganda. Makapal kung mag make-up.
C.I. Leon De Lima: Clinical Instructor nila Maggie at Rhea. Boyfriend ni Liza. Naka-eyeglasses.
Liza Mandacawan: Girlfriend ni Leon. Pasyente sa bed A.
Nurse Tan: Ang NOD (Nurse On Duty sa eleven to seven shift) sa Delivery room
Dr. Ruiz: Ang magpapaanak sa mga pasyente.
Rhea Valera: Matalino, ngunit pangit na classmate ni Maggie.
Patient 2: Pasyente sa bed B
Patient 3: Pasyente sa bed C

Lunan at oras ng dula: Gabi. Makalat ang tatlong hospital beds sa Delivery room ng Davao Medical Center. Lahat ay busy sa pag-aasikaso ng kani-kanilang endorsement call. Si Doktor Ruiz, Nurse Tan, at C.I Leon lang ang on duty. Pupunta ang studyanteng si Rhea sa bed B at uumpisahan ang pag-assess sa kanyang pasyente. Si Leon naman ay uupo sa Nurse station table at uumpisahang i- checheck ang Student Nurse Records. Biglang bubukas ang pintuan. Mahingal-hingal na dadating si Maggie.


Leon: Oh, Ma’am, what brings you here?
Maggie: Sir, late na po ba ako? Ah, tapos na ba ang Endorsement? Ten-fifty five pa kasi. Natraffic kasi ako, Sir, eh. Dahil nagkabangaan yung jeep na sinasakyan ko at yung isang multicab sa may Roxas. Napakamadugo po ng mga happening! Yung iba, ahmm… naipit ung paa, yung iba naman nasunog ang kilay! Grabe po talaga. Syempre, bilang isang student Nurse, responsibilidad ko po na mag-assist sa mga sugatan ng bonggang-bongga! Kanina, sinamahan ko po ang 911 sa pagsugod sa ibang pasyente sa may E.R.. Yung mga relatives naghi-hysterical na nga eh…
Leon: Ah ganun ba? Ahm, Ms. Dela Victoria, anong oras nga ba nag-uumpisa ang Endorsement sa Emergency room?
Maggie: Eleven P.M. Sir. Ganito po kasi talaga yun, yung isang sinugod sa—
Leon: Eh , sa Delivery room?
Maggie: Pareho lang po sa may D.R. Ay hindi! Ahmmm..ten…ten-thirty P.M. po ata? (kakamutin ang ulo)
Leon: Eh, Saan ka nga ba na-assign ngayon, Ma’am?
Maggie: Sa Delivery room po.
Leon: At hindi sa?
Maggie: E.R.
Leon: Ay ganun naman pala eh. Ms. Dela Victoria, kung ayaw mong matanggal sa Deans List, better check again the time or maybe your alibi. (Tataas ang boses.) Now, make two Incident reports. Submit it to me before five AM, ok? Your Endorsement: handle bed A. Proper and good assessment is a must. Huwag mong pabayaan. Pag dumadaing na, report mo agad sa Nurse on Duty na si Nurse Tan or ipa-page mo ako.
Maggie: Yes Sir.
Leon: I want a good team, ok? I’ve to check on your classmates assigned in the isolation room. Here’s the patient’s history sheet, Ma’am. (Ibibigay ang sheet kay Maggie.) Magstart ka na. And by the way, para lang na malaman mo, as of now, wala pang mga pasyente na sinugod sa E.R.. Kagagaling ko lang dun, Maggie. (Aalis si Leon sa Delivery room.)
Maggie: Thanks for the consideration Sir! Sabi ko nga ba eh, kelangan ko ng mag-umpisa! (Padabog na sasagot.) Hmpph!! Kung umasta parang di kami dating magkakilala. At ano naman ang ipapagawa niya sa akin sa susunod? Bonggang-bonggang 50 na Incident Report.,40 na tardy slip, at 30 journal with summary plus violent and non- violent reaction? Bwisit namang buhay to oh! Paano ko pa mamemaintain ang paka DL ko? Pinagalitan na nga ako sa house ng napaka-inconsiderate kong Mommy, papagalitan pa ako dito ng inconsiderate kong ex who turned out to be my ever supladong C.I.! Tsk.. Bwisit! (Titingnan saglit ang history sheet ng pasyente. Lalapitan ang pasyente sa bed A) Tulog ba to? Hello Miss? Miss?
Liza: Ah… ah…(Mahinang dadaing.)
Maggie: Miss, I’m student Nurse Dela Victoria and I’m here to assist your needs. Hinga lang po tayo ng malalim, ok? Ahmm..i-leleopholds maneuver ko po kayo. Tapos iche-check ko po kung ok ba yung heartbeat ng bata. Don’t worry, hindi po to masakit.
(Mamasahiin ang tiyan ng pasyente.) Wait lang po ha? Teka… baliktad ata to. Pero, bakit nakalagay dito for normal delivery? Eh, breech ang baby. Pang caesarian to ah. Matanong nga si Rhea. (Lalapitan si Rhea na kasalukuyang chinicheck ang pulso ng patient sa bed C.) Rhea, ahmmm…gusto ko lang sanang mag-ask if totoo ba ‘tong nakalagay dito sa patient’s history sheet. Kasi pag masahe ko, parang breech yung baby eh. Pero nakalagay dito sa Endorsement ni Nurse Reyes, the patient is ok for normal delivery.
Rhea: Akala ko ba eh Deans Lister ka huh? Eh kung yun ang nakalagay eh di follow the Nurse’s command! Tsk, pambihira kasi, nagfourth year nga, eh, wala namang kalaman-laman ang utak. Pang front act lang ang pagka DL.
Maggie: Teka nga, anong sabi mo?
Rhea: Wala. Back to work Ms. Beautiful. Bantayan mong mabuti yang patient mo, kundi lintik ka talaga sa C.I. natin..(Pahapyaw na tatawa.)
Maggie: Ay naku, malayo talaga ang diperensya ng maganda sa Betty La fea!(Pariringan si Rhea. Babalikan ang pasyente.) Gosh, problema ata to. Re-check ko nga. (Hihimasin ang tiyan ng pasyente.) Breech talaga eh. Ahmmm, Miss, Caesarian po ba kayo or for normal delivery?
Liza: Cae…cae…
Patient 2 sa bed B: Aray!!!! Ah…Ang sakit na! Miss, lalabas na ata ang baby ko!
Rhea: Ma’am konting hintay lang po paparating na si Dr. Ruiz. (Titingnan ang kanyang wristwatch.)
Patient 3 sa bed C: Ako din Miss! Manganganak na! Aray!!!
Maggie: For normal delivery or for caesarian?
Patient 2 sa bed B: Aray!!!! Ang sakit-sakit na talaga!
Rhea: Wait lang po kayo, Ma’am. Relax lang po.
Maggie: Ano ho, caesarian?
Liza: Se…se…ang sakit…manganganak na ata ako! Leon!
Maggie: Ay manganganak na siya! OMG!!! Rhea! Tulungan mo naman akong mag assist! Di ko to kaya! Saan ba si Nurse Tan? Si Dr. Ruiz? Hoy!
Rhea: Puta! Pwede bang wag kang mataranta?! Pati ako nahahawa sayo, eh! Isang pasyente nga lang yan, nahihirapan ka pa!

Maggie: Eh kasi naman, dapat for caesarian talaga to eh. (Dadating si Dr. Ruiz at si Nurse Tan. A-approach si Rhea sa Nurse na hawak-hawak ang patient’s history sheet.)
Rhea: Nurse, my patients from beds B and C are now experiencing true labor. Both conditions are experiencing premature rupture of membrane with amniotic fluid as both are wanting to bear down. Both are suffering increasing pain.
Nurse Tan: Ok, very good assessment, Ma’am. I-check ko muna kung fully dilated na ba yung cervix.
Liza: Nurse! Manganganak na rin ako! (Lalapitan ni Nurse Tan si Liza at hahaplusin ang pawisan nitong noo.)
Nurse Tan: Ok Ma’am. But please preserve your energy para makaire kayo mamaya. Ahmm, Ms. Dela Victoria, pakipage naman si Mr. De Lima. Kailangan siya dito. Ms. Valera, assist patient B, I’ll assist patient C.
Maggie: Bakit po ba Ma’am?
Nurse Tan: Wala ng tanong tanong pa! Do it! Bilis!(Aalis si Maggie para i-page si C.I. Leon. Lalapitan ni Dr. Ruiz si Liza at i-checheck ang tiyan gamit ang stethoscope.)
Dr. Ruiz: Teka? (Hihimasin ang tiyan ni Liza.) Nurse Tan! Lintik, hindi to for normal delivery! Breech ang bata! Sino ba’ng nag-assess nito?
Nurse Tan: Si Nurse Reyes po kanina. Ngayon, yung student Nurse ni Leon.
Dr. Ruiz: Eh ba’t hindi mo ni re-assess? It’s your duty right?
Nurse Tan: Dok nasa Medicating team ako ngayon kaya pinaubaya ko na mismo yan kay Leon at sa studyante niya.
Dr. Ruiz: Papatayin ba niyang anak at girlfriend niya? In fact, High blood to! BP UP, dali! Kumuha ka rin ng magnesium sulfate baka mag shoot-up lalo ang blood pressure nito!
(Dadating si Leon. Kasama si Maggie.)
Leon: Dok, Anong nangyari?
Dr. Ruiz: Are you going to kill your girlfriend?
Maggie: Girlfriend?
Leon: Bakit?
Dr. Ruiz: Wrong assessment by Nurse Reyes at sinigundahan pa ng magaling mong studyante! Kaya nga may reevaluation di ba?
Leon: What? Ms. Dela Victoria—(Galit na galit na titigan si Maggie.)
Nurse Tan: Pwede mamaya na yan? Magtulungan muna tayo dito. (Natatarantang kukunan ng pulso si Liza.)
Leon: I have to talk to you later in the Affiliates room.
Maggie: Si…Sir..Leon?
Rhea: Ayan kasi, sa sobrang kapal ng make-up, pati common sense natabunan na.

(Sasara sandali ang kurtina. Bubukas ulit. Makikita si Maggie sa loob ng isang makalat na Affiliates room. Makikita na nakaupo sa makalat na mesa si Maggie. Nakalugay ang kanyang mahabang buhok. Siya’y naka bra lamang. Ang kanyang damit pang-itaas ay nakakalat sa sahig. Nasa kanyang tabi ang isang Hello Kitty stuffed toy. Magreretouch. Nasa loudspeaker mode ang isang MP4 sa mesa. Song sa Mp4: “You’re Beautiful” ni James Blunt. “My life is brilliant. My life is brilliant. My love is pure. I saw an angel. Of that I’m sure. She smiled me on the subway. She was with another man. But I won’t lose no sleep on that, ‘Cause I’ve got a plan. You’re beautiful, You’re beautiful, You’re beautiful, it’s true.” Tapos magfafade na ang kanta.)

Maggie: Good Evening Ma’am and Sir. I’m student nurse Maggie Dela Victoria and I’m here to assist your needs. Ahmmm…How do you feel right now? Are you ok? What? Is there something wrong? What can I do for you? Tsk. Plastic! First rate plastic talaga! Nursing is an act of selflessly extending care for others. Naconvince ka ba ni Mimi? (Kukunin ang ginawang Incident Report sa mesa.) With this Shit? (Pupunitin) Ha! Akala niya siguro takot ako sa kanya. Deans Lister ata to! At kahit ano mang gustuhin ko, magagawa ko. Halata naman nung una pa lang eh, ayaw na ayaw na nya na akong i-handle bilang student nurse niya. Kesyo di daw bagay sa akin ma-assign sa Delivery room dahil considered sensitive ang lahat ng patients doon. At konting pagkakamali lang eh maaring at stake ang buhay ng pasyente. Ano naman kaya ang akala niya sa akin? Tanga?! Kahapon, nung nagkamali ako sa Intravenous assessment sa isang patient, eh, I don’t want to handle you agad ang sinabi niya. I do not get good grades para pagsabihan lang niya ng ganon! Tapos ngayon ako na naman ang masama? Eh kasalanan ko bang tanga rin si Nurse Reyes? Wrong assessment din ang binigay sa akin. Bwisit! Dumagdag pa tong feeling smartass na si Rhea! Laglagan pala to huh?! As far as I can remember, nagkahiwalay kami ng Leon na yan noon dahil marami siyang inaayawan sa buhay. Parang sa akin lang ata siya nagkamali. Like hindi niya gusto ang amoy ng durian, ayaw niya for a date destination ang Samal, disgusted siya sa blood red color na lipstick ko at higit sa lahat ayaw niya…na may mangyari sa amin. Para ako na nga ang nagyaya na pumunta kami sa my La Vida Inn, tapos siya talaga yung umayaw. Kesyo hindi pa daw time, masyadong bata pa daw kami for an intimate relationship, eh yun pala may iba siyang bubuntisin. Hello?! Ka Amaw na lang gyud! Noon, mahawakan lang konti ang kamay ko, ‘I’m Sorry Maggie’ agad ang drama. Ni hindi nga ako nahalikan ng gago. Sino bang mag-aakala na magkaka-girlfriend pala siya, eh ang nerd-nerd niya noon. Tapos ngayon? Pero in fairness naman sa akin, mas maganda pa rin ako noh kung ikukumpara sa babaeng yun! Leon, tingnan lang natin kung di ka masilaw sa aking super gorgeous body! Naman, second day ko pa nga lang, dalawang I.R na ako sa kanya. Shit! Wala talagang pinagbago, perfectionist pa rin! May paconcern concern pa sa lahat ng tao, yun pala attitude display lang. Wala na bang hihigit kay Daddy, ha, Mimi? (Uupo si Maggie sa isang mono-bloc chair at hihimas-himasin niya si Mimi. Magboboses lalaki.) Maggie, be a good girl always ha? Kasi pag parati kang mabait, you’ll receive chocolates and toys from Daddy. Di na kasi naaasikaso ni Mommy si Daddy eh. Kaya si Maggie at Daddy na lang muna ang maglalaro. Basta yung ginagawa natin sa room pag gabi wag sabihin kay Mommy ok? It’s our secret. Shhhh…(Tatayo) Akalain ko ba namang iiwan agad ako ni Daddy? Nag promise pa siya na di niya ako iiwan, yun pala, mawawala siya ng dahil lang sa isang car accident. Liar! Parang katulad lang din ng mga naging ex ko! (Luluhod.) Baby Maggie! You are my life! I need you! Anong gusto mong grado? 95? 98? Ano? Kung gusto mo maging first honors sabihin mo lang! Or …kung gusto mo… bukas na bukas din…magfa-file na ako ng annulment sa aking asawa! Sabihin mo lang Maggie at gagawin ko lahat! I badly need you my sweetheart! (Tatayo ulit.) Nakonsensiya naman ako sa uugod-ugod na wife niya at ayun, hiniwalayan ko. Matanda na kasi! Minsan tinutulugan na ako sa kama! Pero I realized, kelangan ko pa pala siya to pass Nursing Management 100. Gosh ang hirap kaya pumasa sa subject na yun! Kaya binalikan ko na lang agad. Parang etong si Leon lang naman ang killjoy sa lahat ng mga naging ex ko! Ang super iba sa kanila. (Maglalagay ng makapal na lipstick sa labi. Papatayin niya ang ilaw.)
Leon: (Bubuksan ang pintuan at ang ilaw.) Maggie! Maggie!
Maggie: Sir? (Nagkukunwaring nagbibihis.)
Leon: Jesus Christ! Magbihis ka muna! Pag-uusapan natin yung ginawa mo kanina.
Maggie: Alin po dun Sir? (Lalapit kay Leon at lalandiin ito.)
Leon: Tang’ ina! Sabi ko magbihis ka!
Maggie: Naiinitan kasi ako Sir eh! Hindi ka ba naiinitan? Sira kasi ang aircon dito.
Leon: Make 20 I.R’s now! Or baka gusto mong umabot pa to sa Dean’s Office? (Aktong lalabas. Pipigilan ni Maggie.)
Maggie: Dito ka muna Sir. Sige ka mas ma-iistress ka dun sa girlfriend mo.
Leon: Get out of my way now! I have no time for silly things!
Maggie: Talaga? (Hihimasin ang mukha ni Leon. At pagkatapos, itutulak si Leon sa mesa.) Sige Sir, sigawan mo pa ako, para maramdaman ko ang takot. Scary and creepy di ba? Takutin mo pa ako. Gaya ng pananakot ni Daddy sa panaginip ko.
Leon: (Nanginginig ang kamay.) Baliw ka ba?! Maggie, tigilan mo ako please lang.
Maggie: Ba’t kita titigilan? Sige na, pagalitan mo na ako, Sir! (Titigan si Leon sa mata at hahalikan sa leeg.) O baka ikaw na ngayon ang takot sa akin?
Leon: Maggie please!
Maggie: Is this for real? Marunong ka palang magmakaawa Leon?
Leon: Don’t let me do this, Ma…Maggie…(Hahalikan si Maggie. Magugulat ang dalaga.)
Leon: So…sorry…
Maggie: Sinasabi ko na nga ba eh, wala ka pala talagang pinagkaiba sa kanila. Bibigay ka rin.
Leon: Sorry Ms. De la Victoria. I…I—
Maggie: Pero alam mo, wala ka pa ring pinagbago. Marunong ka pa ring humingi ng sorry.
Voiceover: Calling the attention of Mr. De Lima, please proceed to the general ward now.
Leon: Siguro nga hindi ako nagbago Maggie. Siguro nga…Well, Ms. Dela Victoria, make only two I.R’s. Wala namang namatay na pasyente.
(Kukunin ni Maggie si Mimi sa mono-bloc chair.)
Maggie: Teka, regalo ko sa magiging anak mo, Daddy Leon. Pakisabi na lang galing sa Tita Maggie niya.
Leon: Salamat.
Maggie: Wait…Uhmmm..can…can I see you tomorrow? Sa dati nating—
Leon: Well…ah…I will still have to think about it, Mags. (Hihimasin ni Leon ang braso ni Maggie.)
Maggie: Please? (Hahawakan ni Maggie ang kamay ni Leon.)
Leon: Sorry, but…I ..I have to go now. I have a lot of things to do.
Maggie: Si…Sige Sir.
(Bubuksan ni Leon ang pinto at aalis. Maiiwan si Maggie na nagbibihis ng may biglang tatawag sa kanyang phone.)
Maggie: Hello babe? Ok na grades ko sa Nursing Management 100? No, you don’ have to. Magreretake na lang ako. What? Tomorrow night? No, I can’t. My duty pa kasi ako dito sa hospital eh. Sa Thursday na lang? Hindi rin ako available eh. Sorry. Bye.
(Liligpitin na ni Maggie ang kanyang gamit. Maririnig ulit ang background music. “You’re beautiful. You’re beautiful. You’re beautiful, it’s true. There must be an angel with a smile on her face, When she thought up that I should be with you. But it’s time to face the truth, I will never be with you.” Music fades. Lights off.)

WAKAS

—-
Henrietta Diana de Guzman is a senior student at UPMin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.