May tao akong nakilala
Sa kanto dose nakatira
Ang pangalan niya’y Pasito
Trabaho niya’y pagtataho.
Umupo ako sa kanyang silong
Pansin ko’y suot niya’y ‘sang dumihin
At putikang kamiseta
Nabahiran na ng grasa
Ng kapanayamin ko siya
Halatang si Pasito’y nangangayat
Epekto raw iyon ng karukhaan
Ng gobyernong ‘di makandungan
“Noong unang panahon”
Dagdag niya, “Ako’y may nagawa.
Naging bahagi ako ng kudeta
At gobyerno aking inasinta”
“Nang mahuli ako ng mga opisyal
Dinala ako sa isang nanlilimahid na lugar.
At doon ako’y kinawawa
‘Di nila alintana ang aming paghihirap
Sa gilid ng bulubundukin
Pinarusahan, iniwang duguan
Sa buhos ng malakas na ulan
Naging lugmok aking katauhan
“Katarungan nami’y hinarangan
Kalayaan, aming inaasam-asam.”
Sa sobrang ipit ‘di ko napansin
Nawala na si Pasito sa aking paningin
Naalala ko huling hirit nya
Habang binulay-bulay mga alaala
“Pag-atake sa mga tiwali
Sadya nga bang mali?”
—-
Hannah Louise Enanoria is a 3rd year AB Sociology student of ADDU.