Anak,
Hindi tayo laging may pagkakataong ganito
Kaya kailangang pagbutihin natin
Ang pagpiling ito.
Di tayo dapat kukuha ng matakaw
Sapagkat baka sa kanyang kahayukan
Pagkain natin mismo’y kanyang lantakan.
Sa kawag ng buntot, di dapat padala
Pagkat baka sa husay nyang makisama
Magnanakaw, sa ‘ting bahay makitira.
Hindi rin tamang pilii’y puro porma
Pagkat baka pati mismong suot nati’y
Kuning pampakintab ng balahibo nya.
Di rin uubra ang napakatalino
Pagkat dahil sa di magkaintindihan
Pamumuhay nati’y lalong magkagulo.
Anak,
Mahirap talaga ang gawaing ito
Kaya kailangang pagsanibin natin
Karanasan ko’t silakbo mo.
—
Dennis P. Sto. Domingo is the father of Kim, Mikoy, Pio, Pia and Tye and the husband of Goya. They reside in Matina, Davao City.
sana may guppy kayo na mura lang….good afternoon po sa inyo
Bagay ang tula sa panahon ngayon, kasi mag e-election.
Pasensya na pero hindi pa po ako nakakikita ng asong maporma!