Ano ka sa akin?
Kundi bituin
Na nagniningning
Sa umaga
Na di nakikita
Ngunit di nawawala.
Isa kang tubig na naiipon
Sa gitna ng mga bato
Na sinisipsip ng tag-init
At ibinabalik ng mga hamog.
Isa kang dahong bagong silang
Kapalit ng mga dahong nalanta.
Musika kang banayad at masaya
Na sa loob ng mga bakanteng
bahay ng kabibe nakatira.
Isa kang masayang alaala.
—-
Yul AV. Olaya works for peace and the right to education of children
this is a kind of poetry that refreshes good memories, it brings back the youth in every individual who went through a lot, and a reminder that the “looking back” in our lives isn’t always that sad.
well, to the author i’ll leave you these message: “ISA KANG MASAYANG ALAALA.”
isa kang masayang alaala..thanks deeply