Hindi ko nais isipin na sabihin itong lihim kong pagsinta;
Hindi ko alam ang aking nakikita sa iyong mga mata.
Subalit nararapat lamang na ang pagsintang ito’y aking ikubli,
Sapagkat hindi mo dapat malaman na sa puso koy ika’y namumukodtangi.
Hindi bale ng nasasaktan ng palihim ang puso kong ito,
Wag lang malaman ng ibang mga tao.
Kaya’t sa poong maykapal aking ipinapanalangin,
Na ang pag-sintang itoy liparin sana ng hangin.
Kaya’t nararapat lamang na ang pagsintang iyo’y aking kalimutan,
Para ng sa ganun ang puso kong ito’y hindi na masugatan.
Subalit hindi ganoon kadali ang paglimot sa isang sinisinta,
Sapagkat hindi ito kagaya ng paglimot sa lyriko ng isang kanta.
Hanggat hindi nawawala ang nararamdamang ito,
Wala akong magagawa kundi patuloy na itago, ang lihim nitong puso.
Lihim ng Puso
Poetry by Odessa Benaning | March 2, 2008