Madaling araw kung dumalaw ang kalungkutan

Poetry by | October 14, 2007

Madaling araw kung dumalaw ang kalungkutan
Sumasabay siya sa marahas na haplit ng hangin
at ragasa ng ulan
Katabi mo siya sa iyong paggising.

Muli,
Hahagilapin ang mga lumang larawan,
Bubuksan ang baul at babasahing muli
ang mga lumang liham,
Dadampian ng malamyos na halik
ang mga alaalang naiwan.

Madaling araw kung dumalaw ang kalungkutan
Mapipilitan kang magtimpla ng kape’t
Almusalin ang agam-agam.

One thought on “Madaling araw kung dumalaw ang kalungkutan”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.