Paano kung ang tula ay may presyo?
Puwede nang pambayad sa bus,
sa dyipni, sa traysikel,
sa eroplano, sa grocery,
sa ilaw, sa tubig, sa kuryente?
Siguro lahat ay makikinig.
Puwede nang pambayad sa bus,
sa dyipni, sa traysikel,
sa eroplano, sa grocery,
sa ilaw, sa tubig, sa kuryente?
Siguro lahat ay makikinig.
Paano kung ang tula ay may katawan?
Magpupursigi kaya itong ibenta
ang kaluluwa sa bangketa?
Paano kung ang tula ay maaari nang
pambayad-utang sa puting may-ari
ng pandaigdigang kalakalan?
Maiahon kaya nito ang Pilipinas sa kahirapan?
Ano ba ang magagawa ng makatang tulad ko
Na hanggang sulat lang ang kayang gawin?